Saturday, March 15, 2008

Pangarap Ka Sinta

dadalhin kita sa isang palasyo
sumakay tau sa mga ulap sa langit
takasan ang mundong may galit
tulungan mo akong makawala sa gapos na ito
hahanap tayo ng mundo na makakaunawa sa atin
mundong nakapikit ang mga tao sa pag-husga
mundo na walang mukha o pakiramdam
nang sa gayun malaya kitang mahagkan
'wag kang bumitaw sa pagkakakapit
pagkat ang ulap na itoy sadyang manipis
mataas na tayo at malayo sa dating mundo
sandali na lamang at naroon na tayo
ngunit bakit nagdadalawang isip ka
sa pagsama sa akin sa mundong masaya
ayaw mo ba na tayo lang dalawa?
o ang puso mo ay may mundo nang iba
nagising ako sa panaginip na ito
akala ko kasama kita sa isang paraiso
naalala ko na hindi ka sa akin
isang pangarap ang ikay marating
kailan kaya kita makakasama
kailan kita muling mahahagkan
kailan maglalapit ang mag labi natin
sana ngaun na... habang akoy may buhay pa...
+jhay+

0 Responses: